Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

- Ibinida ni Zeinab Harake ang kanyang panganay na anak na si Lucas

- Makikita sa photoshoot ni Lucas na talagang parang binata na nga ito

- Matatandaang madalas na maikwento ni Zeinab kung gaano siya kasaya sa pagiging ina ni Lucas lalo na sa pagiging kuya nito kay Bia

- Umani ng papuri si Lucas na maging ang mga netizens ay talaga namang natuwa sa phoshoot nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud mommy moment si Zeinab Harake nang ibahagi niya ang mga larawan ng kanyang anak na si Lucas.

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"
Lucas Harake (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nasabi ni Zeinab na tila binata na ang kanyang panganay sa mga pose nito sa kanyang photoshoot.

Umani ng papuri si Lucas sa netizens na talaga namang kinagiliwan ng marami.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Lucas is now a bigboy. Sana makita ko siya ulit mag play ng piano."
"Lucas was lucky to have you in his life"
"Sa susunod Zeinab Harake meron kana rin dalaga. You are so blessed to have bia and lucas they are your endless happiness and wealth"
"I really admire you for being a good mom to Lucas and Bia.. Stay strong for them"

Matatandaang madalas na mabanggit ni Zeinab kung gaano siya kasaya at gaano ka-proud kay Lucas.

Lalong-lalo na nang maging kuya na ito ni Bia kung saan madalas makita kung paano ang pagpapahalaga nito sa kapatid.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Sa pagpasok naman ng 2023, kabi-kabila ang kanyang naging proyekto. Isa na rito ang pasabog niyang performance sa "Pinakamakinang concert" ng Brilliant Skin na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel