Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo

Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo

- Nagbiro si Vice Ganda kaugnay sa trending na episode ng Pinoy Henyo kung saan sinasabing may pandarayang naganap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa Girl on Fire segment ng It's Showtime, biniro ni Vice Ganda ang isang contestant na Pinoy Henyo umano ang pinanood niya

- Dagdag pa niya, pinabagalan pa daw nito ang panonood para malaman kung talagang sinabi ang "stomach"

- Natawa na lang ang mga co-hosts ni Vice sa biro niyang ito na talaga namang umani ng mga komento

Nagbiro si Vice Ganda tungkol sa pinag-usapang episode ng Pinoy Henyo kung saan sinasabing may nandaya. Biro ni Vice sa isang kalahok ng Girl on Fire, "Pinoy Henyo" umano ang pinanonood nito at pinapabagalan pa para makita kung talagang sinabi ang "stomach."

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo
Vice Ganda, nabanggit ang tungkol sa pagbanggit ng "stomach" sa Pinoy Henyo (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nag-viral ang February 14 episode ng Pinoy Henyo matapos mapansin ng viewers ang umano'y cheating ng isang kalahok. Maging ang mga host ng Eat Bulaga ay nagpatutsada din kamakailan kaugnay sa pandaraya.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel