Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on

Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on

- Nag-post si Ms. Grace aka Marites ng isang TikTok video kung saan nag-dub siya tungkol sa pagmo-move on

- Marami ang naaliw sa kanyang video kung saan sinabi niyang "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo"

- May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nagmo-move on na ito

- Matatandaang naging usap-usapan ang paghihiwalay nila ng content creator na si Pambansang Kolokoy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Ms. Grace aka Marites sa TikTok video na binahagi nito. Nag-dub siya ng audio na nagsasabing "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo."

Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on
Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on (@withmissgrace)
Source: Instagram

Marami sa mga followers niya ang natutuwang unti-unti na nilang nakikitang muli ang pagiging palabiro nito kagaya sa nakasanayan nila sa video nila noon ni PK. May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nag-mo-move on na ito.

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Nagising din lol . Welcome back to Earth
Strong independent woman!..i salute you miss Grace for such courage & confidence

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naku! Nahanap ko din po kayo!!! So happy you are doing well po!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Read also

Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel