Zeinab Harake, ibinahagi ang larawang kuha sa kanya sampung taon na ang nakalipas

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawang kuha sa kanya sampung taon na ang nakalipas

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga larawang kuha sa kanya, sampung taon na ang nakalipas

- Makikitang kuha ito sa isa sa mga parada ng banda ni Zeinab kung saan siya ay majorette

- Makalipas ang sampung taon, kabi-kabilang biyaya naman ang kanyang natanggap

- Lalong-lalo na ang pagdating ng kanyang mga anak sina Lucas at Bia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang mga larawan ni Zeinab Harake na kuha umano sa kanya sampung taon na ang nakalilipas.

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawang kuha sa kanya sampung taon na ang nakalipas
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami ang pumuri kay Zeinab na noon pa ma'y litaw na litaw na ang angking ganda nito.

Matatandaang minsan na niyang ibinida ang kanyang pagiging isang majorette. Katunayan, makailang beses niyang ipinakita ang kanyang baton twirling skills.

Natuwa ang netizens na talaga namang artistahin na ang dating ni Zeinab noon pa mang kabataan niya.

Read also

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Walang kupas mula noon hanggang ngayon, lalung gumanda pa ngayon"
"Beautiful as always Mommy Zeinab!"
"Looks like Baby Bia"
"So Pretty! For sure si Baby Bia Little Zeinab talaga"
"Beautiful inside and out"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Read also

Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler

Sa pagpasok naman ng 2023, kabi-kabila ang kanyang naging proyekto. Isa na rito ang pasabog niyang performance sa "Pinakamakinang concert" ng Brilliant Skin na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.

Isa lamang ito sa masasayang pangyayari sa simula ng 2023 ni Zeinab. Matatandaang makailang beses na rin siyang nag-travel, trabaho man o para lamang sa kanyang pagre-relax pansumandali mula sa dami ng commitments at projects niya sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel