Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

- Kinaaliwan ang binahaging video ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram kung saan nag-prank siya sa kanyang mister na si Mikee Morada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kunwari ay mayroon silang babatiin sa kanilang ginagawang video ngunit lingid sa kaalaman ni Mikee ay ginagawa ni Alex ang Fighting my imaginary friend challenge

- Tila hindi naman nakatiis si Mikee sa birong ito ni Alex at tumayo na lang ito at nag-walk out

- Marami ang natawa sa video na ito ni Alex na talaga namang umani ng mga komento

Napa-walk out si Mikee Morada sa Fighting my imaginary friend na prank sa kanya ni Alex Gonzaga. Sa video na binahagi ni Alex, makikita ang mag-asawa na kunwari ay gumagawa ng video greeting.

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya
Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cong TV, gumawa ng sariling toddler's video para lang 'Papa' ang maging unang salita ni Kidlat

Habang nagsasalita sila ay biglang ginalaw ni Alex ang ulo niya na parang may humila sa kanyang buhok. Kasunod nito ay umasta siyang may inaaway sa likod nila. Natunugan naman agad ni Mikee ang birong ito ni Alex kaya agad itong tumayo at nag-walk out.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel