Cong TV, gumawa ng sariling toddler's video para lang 'Papa' ang maging unang salita ni Kidlat

Cong TV, gumawa ng sariling toddler's video para lang 'Papa' ang maging unang salita ni Kidlat

- Kinagiliwan online ang video ni Cong TV kung saan naisipan nitong gumawa ng sarili niyang toddler's video

- Sa umpisa ng naturang vlog, mapapansing hindi basta sumasama sa kanya ang anak na si Kidlat

- Lalo na kung tutok ito sa isang toddler's show na madalas ipapanood sa kanya ng kanyang Mommy Viyy Cortez

- Tila tagumpay naman si Cong sa kanyang ginawa para kay Kidlat lalo na sa bandang huli ng vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na kinagigiliwan ngayon online ang nakatutuwang diskarte ni Cong TV para lang sumama sa kanya ang anak na si Kidlat at para "Papa" ang unang salitang mabigkas nito.

Cong TV, gumawa ng sariling toddler's video para lang 'Papa' ang maging unang salita ni Kidlat
Lincoln Velazquez (Cong TV YouTube)
Source: Youtube

Naisipan ni Cong na gumawa ng sarili niyang toddler's show na kanyang ipapapanood kay Kidlat.

Tulad ng sikat na sikat ngayong 'Songs for Little' ni Miss Rachel sa YouTube, nagkaroon din ng sarili niyang bersyon nito si Cong.

Read also

Madam Inutz, emosyonal sa muling pagkikita ng bunsong anak at ama nito

Una niyang pinapanood ito sa kanyang partner na si Viy Cortez na tawang-tawa sa ginawa ni Cong. Subalit labis naman siya nitong na-appreciate dahil ang ginawa na ito ni Cong ay para kay Kidlat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, walang humpay naman sa katatawa ang iba pang mga kasama nila sa Congpound at sinabing hindi umano pambata ang ginawa na ito ni Cong.

Subalit ang pinakamahalaga sa lahat, ay nang mapanood na mismo ni Kidlat ang video na ginawa para sa kanya ng ama.

Kitang-kita na tila nag-eenjoy ito at panay din ang tingin sa ama hanggang sa makuha na nga siya nito.

Narito ang kabuuan ng makulit at masayang video na umani agad ng 1.4 million views sa loob ng wala pang 24 oras:

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang 11 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Read also

Lie Reposposa, nakatanggap ng promise ring mula sa British boyfriend

Samantala ang partner nitong si Viy ay labis ding kahanga-hanga lalo na pagpapatakbo ng kanyang negosyo.

Noong Hulyo ng nakaraang taon 2022, isinilang ni Viy ang panganay na anak nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez na tinatawag nila ngayong "Kidlat".

Bukod sa pagbibigay saya sa kanilang fans at followers, hinahanggaan din sina Viy at Cong sa tahimik na pagbibigay tulong nila sa mga kababayan nating nasasalanta ng mga kalamidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel