Lie Reposposa, nakatanggap ng promise ring mula sa British boyfriend

Lie Reposposa, nakatanggap ng promise ring mula sa British boyfriend

- Binahagi ni Lie Reposposa ang picture nila ng kanyang British boyfriend na si Paul Joshua Marsden

- Makikita ang suot ni Lie na singsing kalakip ng kanyang caption kung saan sinabi niyang nag-"yes" na daw siya

- Nakalagay din sa kanyang caption na may basbas ng magulang niya ang tungkol dito

- Maging ang boyfriend niyang si Paul ay nag-post din tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatanggap si Lie Reposposa ng promise ring mula sa kanyang British boyfriend na si Paul Joshua Marden. Makikita ang suot ni Lie na singsing kalakip ng kanyang caption kung saan sinabi niyang nag-"yes" na daw siya.

Lie Reposposa, engaged na sa British boyfriend na si Paul Joshua Marsden
Lie Reposposa, engaged na sa British boyfriend na si Paul Joshua Marsden (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Sa caption ni Lie sa kanyang Instagram post ay makikita ang suot niyang singsing at caption tungkol sa kanyang pag-"yes" na ayon sa kanya ay "Parents approved".

Read also

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu

Gayundin ang boyfriend niyang si Paul ay nag-post tungkol dito. Aniya, napagtanto niyang gusto niyang makasama si Lie habangbuhay at gusto niyang agad na masimulan ang buhay kasama ang taong mahal niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

When you realise you want to spend the rest of your life with somebody you want the rest of your life to start as soon as possible

Marami naman sa kasamahan ni Lie sa Pinoy Big Brother ang bumati sa kanila.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Read also

Lie Reposposa, tahimik pa rin sa cheating isyu na binabato sa kanya

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Kamakailan ay naibahagi nina Lie at ng kanyang British boyfriend ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon. Si Lie daw ang unang girlfriend ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden na kagaya niya ay 19 taong gulang din. Sa binahaging YouTube video ni Lie ay makikita sila ng boyfriend habang sila ay nasa Pattaya resort sa Thailand. Matatandaang pinag-usapan nang husto ang dalawa matapos isapubliko ni Lie ang ilang pictures at video nilang magkasintahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel