Kim Chiu, hinamon ng 'bisaya challenge' si Melai Cantiveros: "Sobrang laugh trip to!"

Kim Chiu, hinamon ng 'bisaya challenge' si Melai Cantiveros: "Sobrang laugh trip to!"

- Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu

- Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie Reposposa

- Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2

- Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim Chiu na tuwang-tuwa kay Melai

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng marami ang collab video nina Kim Chiu at Melai Cantiveros. Game na game na kumasa si Melai sa 'Bisaya challenge' sa kanya ni Kim.

Nalaman ng KAMI na part 2 na pala ito dahil sa part 1 ng 'Bisaya Challenge' ni Kim, nakasama naman niya noon sina Maymay Entrata at Lie Reposposa.

Read also

Vice Ganda, sumubok ng sisig rice at buko pie sa "palengke" ng Los Angeles

Kim Chiu, hinamon ng 'bisaya challenge' si Melai Cantiveros: "Sobrang laugh trip to!"
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Facebook

Masaya si Kim na sa wakas ay nagkatugma ang schedule nila ni Melai para gawin ang naturang challenge.

Pawang mga linya sa sikat ng Tagalog movies tulad ng "Kita Kita", "Himala" "The Ghost Bride" ang na-translate ng dalawa sa Bisaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mas lalong naging makulit ang kanilang challenge nang sinubukan naman nilang isalin sa Bisaya ang mga headlines na mas lalong kinagiliwan ng netizens.

Aliw na aliw din sila sa tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe naiiyak ako sa kakatawa sa inyong dalawa"
"Ang kulit niyo po na magkasama, more videos together po"
"Part 3 please, ang saya niyo pong panoorin"
"Ang sarap ng tawa ni Kim, tuwang-tuwa siya kay Melai. Pati tuloy ako tawa na rin ng tawa"

Read also

Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"

"Looking forward po sa part 3 tapos sama niyo ulit sina Maymay at Lie"

Si Kim Chiu ay isa sa mga kilalang artista sa bansa na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Siya ang kauna-unahang teen housemate na itinanghal na big winner noong 2006. Kilala siya sa bansag na 'chinita princess' at kasalukuyan siya ngayong karelasyon ni Xian Lim. Si Kim ay araw-araw nang mapapanood sa It's Showtime.

Samantala, nagbukas na muli ang bahay ni Kuya para sa season 10 ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Ilan sa mga official housemates ngayong taon ay sina Madam Inutz, Alyssa Valdez at Brenda Mage.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel