Kylie Padilla sa viral posts nina Aljur at AJ: "I’m happy for everyone"

Kylie Padilla sa viral posts nina Aljur at AJ: "I’m happy for everyone"

- Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day

- Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina ALjur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan

- Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat

Sinagot ni Kylie Padilla ang katanungan tungkol sa kanyang reaksiyon sa post nina AJ Raval at Aljur Abrenica nitong Valentine's Day. Sa video na binahagi sa YouTube channel na Very Wàng na kuha sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja, sinabi ni Kylie na masaya siya na lahat sila ay nakakahanap na ng kanilang kaligayahan.

Read also

Aljur Abrenica, binahagi ang nakakaaliw na bonding moments nila ng mga anak

Kylie Padilla sa paglantad nina Aljur at AJ: "I’m happy for everyone"
Kylie Padilla sa paglantad nina Aljur at AJ: "I’m happy for everyone" (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram
“I’m happy for everyone. But seriously, di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kahit noong unang lumabas ang pangalan ni Aj nang maghiwalay ang mag-asawa ay nilinaw ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Matatandaang sinagot ni Kylie ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sa naturang Instagram post ay binahagi ni Kylie ang isang video na kuha sa kanyang pamamasyal sa Thailand. Ayon sa komento ng naturang netizen, sinabi niyang totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi'. Tanging laughing emoji ang sagot ni Kylie sa naturang komento.

Read also

Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab results

Nag-post si Aljur Abrenica ng picture nila ni AJ Raval sa Instagram sa unang pagkakataon nitong Valentine's Day. Simula nang ma-ugnay ang dalawa ay hindi pa sila nakapag-post ng picture nilang magkasama kundi nakukuhanan lamang sila ng picture na magkasama. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, nagbahagi din si AJ ng picture nila ni Aljur kalakip ang isang mensahe. Hindi naman na nagbahagi ng mensahe si Aljur sa kanyang Instagram post kundi makikita lamang sa picture na nakaakbay at nakatingin siya kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel