Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice

- Binahagi ni Raquel Pempengco ang video ng pagkanta nina Morisette Amon at Charice Pempengco ng awiting "I Have Nothing" habang tumutugtog si David Foster

- Ito umano ay patunay sa kanyang unang pahayag na wala pa ring nakakatalo sa pagkanta ni Charice

- Aniya, ang mga komento ng netizens sa naturang post ang patunay sa kanyang sinabi kaugnay dito

- Nilinaw niya rin na walang hate at discrimination sa kanyang sinabi kundi pinagkumpara lamang niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Raquel Pempenco ang post ng isang netizen kung saan pinagkumpara ang pagkanta nina Morisette Amon at Charice Pempengco ng awiting "I Have Nothing" habang tumutugtog si David Foster. Aniya, ito ang magpapatunay na hindi lamang siya ang may opinyon patungkol sa aniya'y walang katulad na boses ni Charice.

Read also

Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice
Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Base nga sa mga komento sa naunang post ay karamihan ay mas pinipili si Charice pagdating sa husay sa pagkanta nito. Gayunpaman, may mga nagsasabing parehas silang magaling ngunit iba lang ang kanilang estilo.

Kamakailan nga ay kinanta ni Morisette Amon ang "I Have Nothing" sa ginanap na concert ni David Foster sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice
Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice (Raquel Relucio Pempengco)
Source: Facebook

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Read also

Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel