Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"

Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"

- Nag-post si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram story gamit ang kantang Hasta Cuando

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kalakip ang linyang 'Whatever makes you feel better, paint me as the villain if that makes you feel better' sa naturang kanta

- Walang nilalabas na pahaya si Andrea matapos ang pagsasapubliko ni Ricci Rivero sa relasyon nila ni Leren Mae Bautista

- Marami naman sa kanyang mga tagahanga ang naghayag ng kanilang paghanga at pagsuporta kay Andrea

Nag-post si Andrea Brillantes ng Instagram story kung saan ginamit niya ang awiting Hasta Cuando. Hindi maiwasang maikonekta ng ilang netizens ang kanyang post sa kasalukuyang mainit na usapin tungkol sa kanyang ex.

Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"
Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Toni Gonzaga sa kanyang pinakabagong vlog: "My life lately"

Sa kanyang social media posts ay deadma si Andrea at hindi na nagsalita kaugnay sa pagsasapubliko ni Ricci Rivero sa relasyon nila ni Leren mae Bautista.

Gayunpaman, hindi maiwasang mag-react ng ilan sa kanyang mga supporters at kaibigan kagaya na lamang ni Bea Borres na sinagot kamakailan ni Ricci dahil sa kanyang tweet.

Narito ang lyrics ng kantang kanyang ginamit sa kanyang IG story:

Whatever makes you feel better , paint me as the villain if that makes you feel better
Make everyone hate me if that makes you feel better, Hmm, whatever makes you feel better
Your girl talks sh*t about me just to feel better. About the fact that you're still obsessed with me years later

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel