Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

- Suportado ni Julia Barretto at ng kanyang pamilya si Gerald Anderson sa pagbubukas nito ng kanyang ikatlong branch ng ‘The Th3rd Floor' gym

- Dumalo sina Julia at ang ina kasama ang mga kapatid ni Julia sa opening ng gym ni Gerald

- Bukod sa pamilya ni Julia naroroon din ang kanyang mga boss sa ABS-CBN

- Sinabi ni Gerald na ang kanyang business venture ay bahagi ng paghahanda niya sa kanyang future

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbukas si Gerald Anderson ng pangatlong branch ng kanyang gym na ‘The Th3rd Floor.' Bukod sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto, maging ang mga kapatid at mommy ni Julia ay nagpakita ng kanilang pagsuporta kay Gerald.

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym
Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story ay binati ni Marjorie Barretto si Gerald sa bagong bukas na branch ng gym nito. Maging si Julia ay inihayag kung gaano siya ka-proud sa kanyang boyfriend.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement

Matatandaang unang nagbukas ang The Th3rd Floor noong 2019. Samantala, mayroon pang-apat pang branch na bubuksan si Gerald sa susunod na buwan.

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym
Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naroon din sa opening ang kanyang mga boss sa ABS-CBN.

Ani Gerald, ang kanyang business venture ay bahagi ng paghahanda niya sa kanyang future.

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym
Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym
Source: Instagram

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Miss Grace, ibinida ang engagement ring: "Should I say yes?"

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel