Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement

Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement

- Pinakita ni Vice Ganda ang kanilang naging reaksiyon habang nanonood ng Miss Universe 2023 pageant

- Kasama ang kanyang mga kaibigan ay napatili sila nang makapasok sa Top 20 at Top 10 ang pambato ng Pilipinas

- Hindi naman maitago ni Vice ang pagkadismaya na hindi nakasali sa Top 5 si Michelle

- Gayunpaman, aniya ay ayos lang at pinasalamatan niya si Michelle dahil sa kanyang magandang performance bilang kinatawan ng Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Vice Ganda ang kanilang panonood sa Miss Universe 2023 pageant. Hindi niya naitago ang pagkadismaya na hindi nakapasok sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.

Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement
Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement
Source: Instagram

Gayunpaman ay pinasalamatan niya ito dahil sa kanyang mahusay na performance sa naturang pageant na ginanap sa El Salvador.

Laglag. But it's okay. Ginalingan naman ni Michelle. Michelle, you're appreciated. Thank you so much for representing the Philippines very well. We love you Miss Universe, We love you Philippines, we love you Michelle Dee.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel