Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot

Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot

- Hindi napigilan ni Anne Curtis na maiyak din sa naging reaksiyon ng batang si Kulot sa Isip Bata segment ng 'It's Showtime'

- Base sa reaksiyon ng bata ay tila may tampo ito sa kanyang ama ngunit pinapaliwanagan niya nina Vice Ganda at Anne Curtis na mahal siya ng kanyang ama

- Bilang isang ina ay kitang-kita sa reaksiyon ni Anne na apektado siya sa kalungkutan ng batang si Kulot

- Maging ang mga netizens ay naantig sa kanyang pag-iyak at sa katunayan ay nasa trending topic ang pangalang "Kulot: sa Twitter kasunod ng madamdaming eksena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Anne Curtis ay hindi napigil ang emosyon matapos makita ang pag-iyak ni Kulot sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pinapaliwanagan nila ni Vice Ganda ang bata na mahal siya ng kanyang tatay.

Read also

Andrea Brillantes, may cryptic post: "Paint me as the villain if that makes you feel better"

Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot
Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Ito ay sa kabila ng tila pagtatampo nila sa ama. Kahit sinabi ni Vice na yakapin niya ang ama ay magalang itong tumanggi. Maging ang ina ni Kulot na kasama din ng ama niya na nasa audience ng It's Showtime ay napapahid din ng luha.

Maging ang mga netizens ay naantig sa kanyang pag-iyak at sa katunayan ay nasa trending topic ang pangalang "Kulot: sa Twitter kasunod ng madamdaming eksena.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel