Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang larawan ng mga anak na si Lucas at Bia

- Kitang-kita ang sweetness ng magkapatid lalo na ni Lucas na nakayakap pa talaga kay Bia

- Umani ng papuri ang naturang post ni Zeinab na umabot na sa halos 300,000 ang positive reactions

- Matatandaang minsan na ring naikwento ni Zeinab ang pagkakataong napaiyak siya umano ng mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na binahagi ni Zeinab Harake ang larawan ng mga anak na sina Lucas at Bia.

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may caption pa umano ito na "sarap niyong tingnan" na may kasamang heart at 'almost crying' na emoji.

Kapansin-pansin ang closeness ng magkapatid lalo na ang umano'y pagiging protective kuya ni Lucas kay Bia.

Umani ng papuri ang naturang post na umabot na sa halos 300,000 ang positive reactions ng mga netizens.

Read also

Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Cuteness overload"
"Patunay lang kung gaano din kayo ka-love ng inyong Mommy Zeinab"
"Little Zeinab na si Bia na love na love ng kanyang kuya Lucas"
"Ngayon pa lang, kita mo nang protective si Lucas kay Bia bilang kuya"
"Ang swerte ni Mommy Zeinab. Halatang mababait na bata ang mga anak"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.4 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies' na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Read also

Zeinab, emosyonal sa Luxe Slim photoshoot: "Naiiyak ako"

Sa isa sa mga vlogs niya kamakailan, naikwento sa publiko ni Zeinab ang hindi malilimutang pagkakataon na napaiyak umano siya ng mga anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Saludo rin umano siya sa mga single moms na tulad niya.

Samantala, naibahagi rin ni Zeinab ang mga kaganapan sa kanyang pagpunta sa Blackpink concert sa Philippine Arena. Noon pa man, hayagan niyang nasasabi na isa umano siyang Blackpink fan. Katunayan, isa sa kanyang mga kotse ay napacustomized pa niya at ang naturang grupo ang kanyang inspirasyon sa kanyang pink car na iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel