Zeinab, emosyonal sa Luxe Slim photoshoot: "Naiiyak ako"

Zeinab, emosyonal sa Luxe Slim photoshoot: "Naiiyak ako"

- Emosyonal si Zeinab Harake matapos ang photoshoot niya para sa Luxe Slim

- Matatandaang minsan nang napabalitang hindi na umano ire-renew ng CEO ng naturang brand si Zeinab bilang endorser

- Subalit sa naturang photoshoot din nila naklaro ang lahat

- Katunayan, kamakailan lamang ay pumirma na muli ng kontrata si Zeinab at nananatili parin na endorser ng Luxe Slim

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Zeinab Harake matapos ang photoshoot niya para sa Luxe Slim.

Zeinab, emosyonal sa Luxe Slim photoshoot: "Naiiyak ako"
Zeinab Harake kasama ang CEO ng Luxe na si Anna Magkawas (@anna_magkawas)
Source: Instagram

Matatandaang minsan nang napabalitang hindi na umano ire-renew ng may-ari nitong si Anna Magkawas ang kontrata ni Zeinab bilang endorser.

Nalaman ng KAMI na ang naturang photoshoot ang isang patunay na wala umanong katotohanan ang napabalitang ito lalo na kamakailan lang ay pumirma na nga muli si Zeinab ng panibagong kontrata bilang endorser ng Luxe Slim.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

"Si Madam Anna, natutuwa lang ako kasi iba yung love 'yung support, 'yung trust nakakataas siya lalo ng confidence and ito 'yung mga bagay na pinagkakapitan ko ngayon 'yung mga nakakakita ng totoong ako," ani Zeinab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang ipinaliliwanag naman ni Anna kung bakit niya ire-renew pa muli si Zeinab, nasabi ng kilalang vlogger na "Naiiyak ako."

"Kasi ang daming negative na kung ano-ano sa paligid ko. Nag-o-overthink ako na baka nahihiya ka lang na baka hindi ituloy," paliwanag pa ni Zeinab.

Nakikita ko guys yung effort ni Zeinab and nakikita ko talaga na ginagamit niya talaga 'yung product. Kaya niya na-achieve lalo 'yan," ayon naman sa CEO ng Luxe Slim.

Narito ang mga kaganapan sa naturang photoshoot:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.4 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Ogie D sa umano'y isyu ng mag-asawang Priscilla at John: "Ano kasi si John e, lapitin!"

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Gayundin ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging ang bumubuo ng kanyang 'Team Zebbies' na itinuturing na rin niya talaga na bahagi ng kanilang pamilya.

Kamakailan, naikwento sa publiko ni Zeinab ang hindi malilimutang pagkakataon na napaiyak umano siya ng mga anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Saludo rin umano siya sa mga single moms na tulad niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel