Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

- Kinakiligan sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang TikTok video para sa promotion ng kanilang bagong seryeng "What's Wrong with Secretary Kim?"

- Makikita sa video na sumasayaw si Kim at tila hindi naman ito inasahan ni Paulo

- Sa lakas ng hatak ng kanilang tambalan, agad na tumabo sa milyon-milyon ang views ng naturang video

- Hirit ni Kim, sa susunod daw ay si Paulo naman ang sasayaw at siya naman ang kakain lang ng chips

Kinakiligan sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang TikTok video para sa pagpromote ng kanilang seryengWhat's Wrong with Secretary Kim? Hindi pa man umabot ng 24 oras ay umbot na sa 2 milyon ang views ng kanilang video.

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video
Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video
Source: Instagram

Kaya naman, hirit ni Kim, sa sunod na TikTok nila ni Paulo ay ang aktor naman ang sasayaw.

2M views in less than 24hours boss @mepauloavelino paano ba yan? I think ikaw naman ang sumayaw sa next tiktok ako naman ang mag chips! deal??? #WWWSK this march 2024 only on @Viu_PH

Read also

Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel