Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya

Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya

- Binahagi ni Mariel Padilla ang kanyang picture sa opisina ng kanyang asawang si Senator Robin Padilla

- Umani ng mga komento ang post niyang ito kung saan isinagawa ang kanyang drip session

- Pinasunod na lamang ni Mariel ang mga taong nakatakdang magturok sa kanya ng drip dahil aniya ay male-late na siya

- Burado na ang naturang post ngunit marami sa mga netizens ang mga nakapag-screenshot dito at ibinahagi muli sa social media

Burado na ang post ni Mariel Padilla kahapon, February 21, 2024 tungkol sa kanyang drip session na ginawa sa opisina ng asawa niya. Pinasunod na lamang ni Mariel ang mga taong nakatakdang magturok sa kanya ng drip dahil aniya ay male-late na siya.

Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya
Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya
Source: Instagram

Umani ng komento ang post niyang ito at sa kasalukuyan nga ay hindi na makita sa Instagram photos ni Mariel. Sa kabila nito ay marami sa mga netizens ang mga nakapag-screenshot dito at ibinahagi muli sa social media.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

"I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office hehe I never miss a drip because it really helps in sooooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and soooo much more!
Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya
Mariel Padilla, binura ang kanyang post tungkol sa drip session niya (Instagram post had been deleted )
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel