JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

- Nagpakilig sa marami ang caption ng post ni JM De Guzman kasama si Donnalyn Bartolome

- Mapapansing tila nasa isa silang kasalan kaya't may kaugnayan ang caption ni JM sa naturang post

- Matatandaang umabot na ng isang taon ang umano'y pagpaparamdam ni JM kay Donna

- Bago magtapos ang taong 2023, natanong ni Donna si JM kung bakit hindi pa siya nito sinusukuan

Marami ang kinilig sa post ni JM De Guzman patungkol kay Donnalyn Bartolome.

JM de Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome
JM De Guzman and Donnalyn Bartolome (@1migueldeguzman)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, makikitang kasama niya si Donnalyn sa tila isang kasalan, dahilan para maiugnay nito ang caption sa kanyang post.

"how i wish i see you walk down the aisle."

Dahil dito, maraming netizens ang aminadong kinilig dahil sa matiyagang panunuyo ng aktor kay Donnalyn.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Jusko di aq mkhinga sa kilig... bagay na bagay talaga"
"Wow sana soon na idol dalangin ko tlaga"
"Kaya panay ang work ni papa em, nag-iipon"
"happy na tayo sa wakas ginalaw na ang baso!"
"Ang tiyaga kasi ni JM. Seryoso talaga siya kay Donna. Kilig!"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Donnalyn Bartolome ay isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer sa bansa. Siya ang nasa likod ng mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Bago matapos ang taong 2023, nausisa ni Donnalyn ang kanya umanong masugid na manliligaw na si JM De Guzman. Lumipas na umano ang isang taon at tila hindi pa rin siya nito sinusukuan sa panunuyo. Isang patunay nito ay nang magkasakit si Donna, hindi nakalimot si JM na padalhan siya ng prutas at gamot sa kabila ng pagiging abala nito sa teleserye nilang 'Linlang.'

Read also

Chito Miranda, kinaaliwan sa komento niya sa picture ng ex niyang si Kaye Abad

Samantala, walang pagsidlan ng kasiyahan si Donna nang umabot na sa seven million ang kanyang mga YouTube subscribers. Bilang pasasalamat, mamamahagi si Donna ng mga regalo sa mga masuswerte niyang followers. Umabot sa Php130,000 ang kabuuang halaga ng kanyang mga tinatawag na pa-gift-away. Ilan sa kanyang pinamigay ay ang nakaka-relax umanong massage chair na hindi biro ang presyo gayun din ang eye massagers na tiyak na magugustuhan ng mapipili niyang subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel