Chito Miranda, kinaaliwan sa komento niya sa picture ng ex niyang si Kaye Abad

Chito Miranda, kinaaliwan sa komento niya sa picture ng ex niyang si Kaye Abad

- Kabilang si Chito Miranda sa mga nagkomento sa isang post ng kanyang ex na si Kaye Abad

- Pinuri nito ang ex at maging ang umano'y sala nila Kaye na ayon pa kay Chito ay sosyal

- Marami ang natuwa at natawa sa komento ni Chito dahil kahit mag-ex sila ay nakakapagbiruan ang mga ito

- May mga nagmungkahi pang dapat daw silang sumalang sa "Expecially For You" segment ng It's Showtime

Kinaaliwan si Chito Miranda sa kanyang komento sa post ng kanyang ex-girlfriend na si Kaye Abad. Pinuri nito ang kagandahan ng kanyang ex.

Chito Miranda, kinaaliwan sa komento niya sa picture ng ex niyang si Kaye Abad
Chito Miranda, kinaaliwan sa komento niya sa picture ng ex niyang si Kaye Abad
Source: Instagram

Sa post ni Kaye, marami ang pumuri sa kanyang kagandahan na sa kabila ng kanyang edad ay tila hindi pa rin kita sa kanyang mukha dahil young looking pa rin ang aktres.

Pinuri ni Chito ang kagandahan ng ex at maging ang umano'y sala nila Kaye na ayon pa kay Chito ay sosyal.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Ganda!! Tsaka grabe sosyal ng sala nyooo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang natuwa at natawa sa komento ni Chito dahil kahit mag-ex sila ay nakakapagbiruan ang mga ito. Narito ang ilang komento:

Nakakatuwa kayo ang ex lovers na naging magkaibigan at parehong may happy family
Fave ko family nyu both..ganda ng takbo ng family life nyu pareho at pareho din boys mga anak nyu.
Wag ganyan sir chito, kinikilig ang mga batang 90s

Si Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."

Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila. Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel