Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

- Marami ang naaliw sa video ni chito Miranda kung saan kasama niya si Cash sa Toronto gig ng Prakya ni Edgar

- Si Cash ang bunsong anak ni Chito at makikita sa video na karga niya ito

- Madalas na mababasa ang salitang "cute" sa comment section ng naturang post

- Kasalukuyang nasa tour ang Parokya ni Edgar sa kabila ng pagkakasakit umano ni Chito kamakailan

Mabilis na nag-viral ang post ni Chito Miranda kung saan may special participation umano ang anak niyang si Cash sa kanilang gig sa Toronto.

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"
Chito Miranda (@chitomirandajr)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi ni Chito, makikitang karga niya si Cash habang kumakanta ng 'Inuman na.'

"'Yung nagko-concert ka tapos kelangan mo magpakatatay," ang caption ni Chito sa naturang post.

Ilang saglit lang ay ibinaba na rin ni Chito si Cash na aniya'y naging 'Cyclops' sandali nang mahulog sa may mata nito ang kanyang suot na headphones.

Read also

Maris Racal, may cute surprise kay Rico Blanco sa Rivermaya reunion: "Rico, my oppa!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens na labis na naaliw sa post ni Chito.

"Ang kyut! Daddy duty + gig"
"Parenting hacks 101"
"Nice one sir Chito! Idol ka talaga pati sa pagiging daddy"
"Literally a stage Dad. Salute"
"So adorable. Future musikero rin po 'yan"

Si Chito Miranda ang vocalist/frontman ng bandang Ang Parokya ni Edgar na isa sa mga kinikilalang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Sumikat sila sa kanilang mga novelty rock songs na magpa-hanggang ngayon ay kinakanta at tinatangkilik ng makabagong henerasyon. Bago pa man maging judge sa The Voice Generations, Si Chito Miranda ay naging judge na rin ng Idol Philippines Season 2.

Kamakailan, aminadong naging emosyonal si Chito na babawi umano sa mga pagkukulang niya raw sa kanyang pamilya. Naibahagi niya ito sa panahong nagkaroon siya ng sakit at nasa kabilang kwarto lamang umano ang kanyang mag-iina na miss na miss na niya at gusto nang yakapin upang iparamdam kung gaano niya kamahal ang mga ito.

Read also

Isabelle Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert

Nagpakilig din sa marami ang makulit na anniversary greeting ni Chito kay Neri kamakailan. Dahil dito, masasabing isa sila sa mga celebrity couple na labis na hinahangaan ng marami pagdating sa pagtataguyod ng pamilya at sa pagsasama bilang mabuting mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel