FlipTop rapper na si LilJohn, nasawi nang pagbabarilin sa Cavite

FlipTop rapper na si LilJohn, nasawi nang pagbabarilin sa Cavite

- Namatay ang FlipTop rapper na si LilJohn matapos itong pagbabarilin nitong Linggo ng hapon

- Naisugod pa ito sa ospital ngunit ideneklara nang dead on arrival

- Wala pang motibo sa pagpatay ang naiulat mula sa mga awtoridad

- Nakiramay naman ang FlipTop Battle League sa pamamagitan ng isang Facebook post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay sa pamamaril ang FlipTop rapper na si LilJohn o Jon Ross Delos Santos, 35-anyos, Linggo ng hapon sa Cavite.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News base sa report ng pulisya, nakaupo si LilJohn sa motorsiklo nito sa tapat ng isang tindahan sa Legian 2B subdivision nang barilin ito sa ulo.

Itinakbo pa ang biktima sa isang ospital sa Imus ngunit idineklara nang dead on arrival.

Wala pang naiulat na motibo ng pagpatay mula sa mga pulis.

Dalawang basyo ng bala ang narekober ng mga ito sa crime scene.

Nakiramay naman ang FlipTop Battle League sa pamamagitan ng isang Facebook post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel