Maris Racal, may cute surprise kay Rico Blanco sa Rivermaya reunion: "Rico, my oppa!"

Maris Racal, may cute surprise kay Rico Blanco sa Rivermaya reunion: "Rico, my oppa!"

- Todo suporta si Maris Racal sa boyfriend na si Rico Blanco sa Rivermaya reunion concert

- Nagsuot pa siya ng headdress at may dala pa siyang banner na may nakalagay na "Rico my oppa!"

- Ibinahagi rin ni Maris ang ilang kaganapan bago magsimula ang isa sa pinakaaabangang concert ng taon

- May 2021 nang kumpirmahin nina Rico at Maris ang kanilang relasyon

Tinodo ni Maris Racal ang suporta niya sa boyfriend na si Rico Blanco sa katatapos lang na reunion concert ng Rivermaya.

Maris Racal, may cute surprise kay Rico Blanco sa Rivermaya reunion: "Rico, my oppa!"
Maris Racal with Rivermaya (@mariesteller)
Source: Instagram

Si Rico ay isa sa mga orihinal na miyembro ng banda kasama sina Bamboo Mañalac, Mark Escueta at Nathan Azarcon na muling nagsama-sama para sa nasabing concert nitong Pebrero 17.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Maris kung paano sinurpresa si Rico ng kanyang pa-headdress na may pictures nito gayundin ang poster na may nakasulat na "Rico my Oppa!"

Read also

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

Ibinahagi rin ni Maris ang ilang mga kaganapan bago magsimula ang itinuturing na isa sa pinakaaabangang concert ng taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"RIVERMAYA THE REUNION WAS (fire emoji)What an experience! Witnessed GREAT chemistry on stage... And they played Sunog during soundcheck (THANK YOU)" ang caption ni Maris sa naturang post.

Maging ang mga netizens ay naaliw sa cute surprise ni Maris kay Rico. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Halatang halata namin mare kung sinong bias mo sa Rivermaya! Hahaha cute mooo supportive jowa"
"Ang sweet... pati ng reaction ni Rico"
"Cutie! Bakit kinikilig ako?"
"Supportive GF... Go girl!"

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel