Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang nasagap umanong balita na hiwalay na ulit sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino

- Ayon sa source, on-off ang relasyon ng dalawa at ngayo'y hiwalay na naman daw ulit ang mga ito

- Lalong naging maugong umano ang tambalan nina Paulo at Kim Chiu na nagsimula sa 'Linlang'

- Aasahang madalas pa ring mapapanood ang 'KimPau' dahil sa kasunod na proyekto ng dalawa ang Pinoy adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim?"

Isa na namang hiwalayan ang umano'y nasagap ni Ogie Diaz na kanyang naibahagi sa kanyang Showbiz Update channel.

Ogie D, may nalaman sa source ukol kina Janine at Paulo: "Split na raw 'yung dalawa ulet"
Janine Gutierrez and Paulo Avelino (@janinegutierrez)
Source: Instagram

Ayon sa kanyang source, tila hiwalay na raw 'muli' sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

"Si Paulo Avelino at si Janine Guttierrez ay, nakakaloka! sana hindi totoo. split na raw yung dalawa ulet," ani Ogie.

"Dahil dati, nag-on tapos naghiwalay. Tapos nag-on ulet. Ayan, nag-split na naman daw ulet. 'Yan ay sabi lang ng aking nakausap," dagdag pa nito.

Read also

Cristy, umano'y naungkat ang hiwalayang BeaRald: "Pareho silang nang-ghosting"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, hindi naman nasabi ang posibleng rason pagnilinaw ni Ogie. Aniya, hindi pa rin ito kumpirmado mula mismo sa dalawa.

"Hindi natin alam kung ano ang rason. Basta yun lang ang nakarating sa atin... Pero hindi po 'yan confirmed ha. narinig ko lamang po 'yan"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala bilang si Paulo Avelino ay isang aktor, modelo at film producer sa bansa. Bumida na siya sa ilang pelikula at television series mula sa Kapuso at maging sa Kapamilya network. Sa kasalukuyan, usap-usapan si Paulo sa husay ng pagganap nito sa Linlang. Umani sila ng papuri sa publiko sa husay ng kanilang pagganap sa nasabing serye.

Gumagawa na rin ng ingay ang bagong teleserye ni Paulo na muling pagbibidahan nila ni Kim Chiu. Ito ang Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.

Read also

Ogie D sa viral picture ni Xian at Iris: "Wala namang masama kung sila na"

Dahil dito, hindi maiwasang maiugnay ang pangalan ni Kim kay Paulo ngayong madalas ang proyekto nilang magkasama at sumabay pa ang pagiging single umano ng dalawa sakaling totoo man ang bali-balitang naghiwalay na muli sina Paulo at Janine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel