Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

- Nagpaunlak ng panayam si Kris Aquino kay Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk

- Isiniwalat ni Kris ang panibagong gamutan na gagawin sa kanya sa Lunes para maisalba ang kanyang puso

- Gayunpaman, kaakibat umano nito ang posibilidad na atakihin siya sa puso habang ito ay isinasagawa

- Dahil dito, hiling pa rin ni Kris ang patuloy na pagdarasal sa kanya ng publiko para sa kanyang paggaling

Nagpaunlak ng live interview ang tinaguriang Queen of all media ng Pilipinas na si Kris Aquino sa programang Fast Talk With Boy Abunda.

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"
Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"
Source: Instagram

Sa kanya mismong kaarawan, isiniwalat ni Kris ang panibagong gamutan na gagawin sa kanya sa Lunes upang sana'y maisalba ang kanyang puso.

Subalit kaakibat nito, naihayag din ni Kris ang maaring hindi magandang kahinatnan umano nito.

"Ang tagal niyo na akong pinagdarasal, but I really need it now. On Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart."

Read also

Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kung hindi ito tumalab Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. Pwedeng in my sleep or kung ano man ang ginagawa ko. Pwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng puso ko," giit ni Kris.

Dahil dito, hiling pa rin niya ang patuloy na pagdarasal para sa kanyang paggaling.

"I really want to stay alive...Nagtitiwala ako sa dasal, na kakayanin pa 'to" aniya.

Naibahagi ng Philippine Star ang pahayag na ito ni Kris Aquino.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte. Maituturing si Kris na isa sa pinakamahusay na talk show host dahilan para siya'y bansagan na Queen of all Media ng Pilipinas.

Read also

Kris Aquino: "Sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension"

Kamakailan, sa kanyang social media post, pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Samantala, nabanggit din niya ang umano'y pagbabalik Pilipinas ni Bimby matapos ang kanyang kaarawan sa Pebrero 14 dahil sasabak muli ito 'di umano sa pag-aartista. Kailangan na umano nitong magtrabaho gayung patuloy na lumolobo ang kanyang medical bills.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel