Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday niya

Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday niya

- Binahagi ni Heart Evangelista ang ilang pictures na kuha sa kanyang photoshoot para sa kanyang ika-39 na kaarawan

- Ginanap ang photoshoot niya sa Balesin Island kung saan din ginanap ang kasal nila ni Chiz Escudero

- Ngayong araw ay nagdiwang si Heart ng kanyang 39th birthday at nakatakda din silang magpakasal uli ng mister

- Nabanggit niya ang kanilang gaganaping renewal of vows sa pagdiriwang nila ng kanilang wedding anniversary

Pinasilip ni Heart Evangelista ang ginanap na photoshoot para sa kanyang ika-39 na kaarawan. Ginanap ito sa Balesin kung saan ginanap din noon ang kasal nila ni Chiz Escudero.

Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday nya
Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday nya
Source: Instagram

Marami ang pumuri at humanga kay Heart na sa kanyang edad ay mukha paring bata tingnan.

Narito ang ilang komento:

Too gorgeous.. 39 na, Pero parang 20's ang looks, young looking still happy bday

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Kris, nagbahagi ng birthday message: "Just in case this is the last birthday..."

Happy Birthday and happy valentines day heart ❤️❤️ super super pretty and amazing
you're really gorgeously different HBD

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel