Ogie D sa viral picture ni Xian at Iris: "Wala namang masama kung sila na"

Ogie D sa viral picture ni Xian at Iris: "Wala namang masama kung sila na"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa larawan nina Xian Lim at Iris Lee na naging usap-usapan kamakailan

- Kapansin-pansin daw umano sa netizens ang larawan dahil sa pwesto ng dalawa at pagkakakuha nito

- Ani Ogie Diaz, wala naman umanong masama kung may relasyon ang dalawa lalo na kung walang overlapping na naganap sa pakikipagrelasyon ni Xian

- At sakaling totoo na may relasyon sina Xian at Iris, tila si Xian umano ang mabilis na naka-move on sa hiwalayan nila ni Kim Chiu

Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol sa naging usap-usapang larawan nina Xian Lim at film producer na si Iris Lee.

Ogie D sa mga viral na picture ni Xian at Iris: "Wala namang masama kung sila na"
Xian Lim and Kim Chiu (@xianlimm)
Source: Instagram

Agad na napansin umano ng netizens ang pwesto ng dalawa bagama't marami sila sa naturang larawan.

Dahil dito, nasabi ni Ogie na tila walang masama sakaling totoong may relasyon ang dalawa lalo na't hindi naman ito isinabay ni Xian sa dating karelasyon na si Kim Chiu.

Read also

Ogie D, nalamang split na muli umano sina Paulo at Janine ayon sa source: "Sana hindi totoo"

"Wala namang masama kung sila na. Lalo na kung wala namang overlapping na naganap. Ibig sabihin, habang sila ni Kim chiu e wala pa sa picture si Iris."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung totoo man daw ito, tila una na umanong naka-move on si Xian sa hiwalayan nila ni Kim.

"Mukhang ang unang naka-recover sa hiwalayang KimXi ay si Xian Lim. Nakatagpo agad e, Kung sakaling sila nga"
"Kasi itong si Kim Chiu, may mga hugot pa rin e. Lalo na kapag nagho-host siya ng Expecially for you. 'Di ba may mga hugot pa rin siya e."

Wala rin umanong katotohanan na may namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Kim at kasalukyan nilang leading man na si Paulo Avelino.

"Ang alam ko kasi, ay hindi sila. Dahil sila ay magkasama lang sa Linlang, at dito sa What's wrong with Secretary Kim. 'Yun lang yun."

Read also

Aga Muhlach sa kanyang timbang: "Hindi normal 'yun, hindi ako masaya 'dun"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel