Aga Muhlach sa kanyang timbang: "Hindi normal 'yun, hindi ako masaya 'dun"

Aga Muhlach sa kanyang timbang: "Hindi normal 'yun, hindi ako masaya 'dun"

- Isa sa mga natanong ni Ogie Diaz kay Aga Muhlach ay ang tungkol sa pagbabago sa kanyang pangangatawan ngayon

- Ani Aga, wala na umano masyadong nakakapuna nito sa pag-aakalang sanay na ang mga nakakakita sa kanyang anyo

- Subalit inamin ni Aga na hindi siya masaya at hindi ito normal para sa kanya

- Kasalukuyang aktibo pa rin si Aga sa showbiz, at palabas na sa sinehan ang pelikula kung saan katambal niya si Julia Barretto

Natanong ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Aga Muhlach ang tungkol sa pagbabago sa pisikal na anyo nito.

Aga sa nag-aakalang okay lang ang timbang niya ngayon: "'Di normal 'yun, 'di ako masaya 'dun"
Aga Muhlach (@agamuhlach317)
Source: Instagram

Nausisa ni Ogie kung mayroon bang pumupuna kay Aga kaugnay sa timbang nito ngayon, kumpara noong kabataan niya.

"Hindi ka ba nao-offend 'pag sinasabing 'lumusog ka', 'tumaba ka'?" usisa ni Ogie.

"Wala nang nagsasabi sa akin nu'n. Nasanay na sila. Nasanay sila na malaki ako. Parang naging normal na 'yun. Pero sa akin, hindi po," ani Aga.

Read also

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit inamin niyang hindi siya umano kompartable rito. "Hindi normal 'yun. Hindi ako masaya 'dun," giit niya.

Dahil dito, naibahagi niyang may mga ginagawa siya sa kasalukuyan upang makapagbawas ng timbang.

"It's not that I don't do anything about it. I exercise, but I had faults and mistakes with my nutrition So, we're working on it now. Being very scientific about it, with my training. We're doing it slowly."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Aga Muhlach o Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay ay isang kilalang batikang aktor sa Pilipinas. Siya ay binansagang "King of Romance-Drama" at the Philippines' Original Hearthrob. Kabilang sa mga paggawad sa kanya ay mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award.

Kasalukuyang may pelikula si Aga kasama si Julia Barretto na may pamagat na 'Ikaw pa rin ang pipiliin ko'. Naging usap-usapan ito dahil ilang 'Barretto' na rin ang nakatambal ni Aga. Mula kay Gretchen, Claudine at ngayon naman ay kay Julia.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Bea Alonzo: "Feeling lang yon ng iba"

Samantala, araw-araw namang mapapanood ang anak ni Aga na si Atasha sa Eat Bulaga. Labis din itong kinagigiliwan ng mga manonood lalo na't game na game din itong makipagkulitan sa kanyang mga Dabarkads.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel