Maris sa taong 2023: "Maraming maraming salamat sa lahat ng roles na binigay mo sa'kin"

Maris sa taong 2023: "Maraming maraming salamat sa lahat ng roles na binigay mo sa'kin"

- Nag-post ng pasasalamat si Maris Racal para sa masaganang taong 2023 para sa kanya

- Apat umanong roles ang nagampanan niya sa papatapos na taon

- Pinasalamatan din niya ang directors at producers na nagtiwala sa kanya

- Sa ngayon, isa ang role niya sa 'Can't buy me love' ang labis na sinusubaybayan sa naturang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pasasalamat ang post ni Maris Racal sa pagsasara ng taong 2023.

Maris sa taong 2023: "Maraming maraming salamat sa lahat ng roles na binigay mo sa'kin"
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, nabanggit niya ang apat na roles na naibigay sa kanya sa naturang taon.

"Maraming maraming salamat sa lahat ng roles na binigay mo sakin, 2023!"

Matatandaang siya ang gumanap na Blesilda sa pelikulang Here Comes The Groom, Sarah sa proyektong Simula Sa Gitna at Irene Tiu na isa sa pinakaaabangang karakter gabi-gabi sa seryeng Can't buy me love.

Read also

Andrea Brillantes, nag-post ng New Year message: "I am grateful for everything"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinasalamatan din niya ang mga nagtiwala sa kanya para sa mga nasabing proyekto.

"Thank you sa lahat ng mga directors at production houses sa tiwala. Mahal ko kayong lahat!"

Kamakailan, nag-viral ang makulit komento sa kanya ng kapwa aktres sa 'Can't buy me love' na si Agot Isidro. Matatandaang gumaganap ito bilang kanyang ina.

Samantala, narito ang kabuuan ng post:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter kanyang bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't buy me love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel