Agot Isidro, kinagiliwan sa makulit na komento nito sa post ni Maris Racal

Agot Isidro, kinagiliwan sa makulit na komento nito sa post ni Maris Racal

- Kinagiliwan ng marami ang komento ng singer-actress na si Agot Isidro sa isang post ni Maris Racal

- Ito ay may kaugnayan umano sa karakter nila sa seryeng 'Can't Buy me Love'

- Matatandaang mag-ina ang kanilang ginagampanan sa isa sa mga seryeng pinakaaabangan sa gabi

- Umabot sa halos 92,000 likes ang naturang Instagram post na ito ni Maris

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na kinaaliwan ng marami ang makulit na post ni Maris Racal na kuha sa isang eksena niya sa 'Can't buy me love'.

Agot Isidro, kinagiliwan sa makulit na komento nito sa post ni Maris Racal
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, makikita ang kanyang karakter na si Irene na napahiga sa mga basura.

"The downfall of the evil princess" ang caption ng naturang post.

Subalit mas lalong dumagdag sa kasiyahan ang naging komento ng gumaganap na 'mom' niya sa serye na si Agot Isidro.

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Huwag kang sisigaw ng “MOM!” Bakasyon ako ngayon," ang komento ni Agot na mayroon pang laughing emoji.

Subalit napakomento pa rin si Maris ng "MOMMMM hahahaha" sa komento ni Agot.

Sa ngayon, isa ang teleseryeng 'Can't buy me Love' nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga pinakaaabangan gabi-gabi.

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Maris:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Read also

LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter kanyang bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't buy me love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel