LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip

LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip

- Masayang ibinahagi ni LJ Reyes ang unang Christmas family photo nila ni Philip Evangelista

- Kasama nina LJ ang kanyang mga anak na si Aki at Summer

- Marami ang natuwa kay LJ nang ikasal ito noong Oktubre ng kasalukuyang taon

- Kapansin-pansin din umano ang saya ng Kapuso actress nang matagpuan na ang lalaking nakalaan para sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"I can’t ask for more in this lifetime," ito ang caption ng Christmas post ni LJ Reyes kasama ang kanilang pamilya ni Philip Evangelista.

LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip
LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip (@lj_reyes)
Source: Instagram

Ito ang unang Pasko niya bilang Mrs. Evangelista gayung mahigit dalawang buwan pa lamang ang nakararaan mula nang maganap ang pag-iisang dibdib nila.

Kasama sa kanilang larawan ang kanilang mga anak na kitang-kita rin ang saya sa kanilang pamilya.

Read also

KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral

Maging ang mga netizens ay natuwa nang makita ang masayang Pasko ng pamilya ni LJ.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So happy that LJ is in the right man na. Merry Christmas to u and ur family"
"Deserve! Merry Christmas, Ms. Lj amd Fam!"
"Omg! ang saya ko na makita ang pic na 'to during Christmas season. Deserve mo po 'yan"
"Nakaka-miss si Summer. Ang saya niya tingnan. Merry Christmas sa inyo"

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network at nagkaroon din ng iba't ibang pelikula.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis. Kaya naman marami ang nagulat sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Dalawang taon nang namamalagi ngayon sa New York sina LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer, kapiling na rin ng pamilya ni LJ na naroon. Noong May ng kasalukuyang taon, muling ginulat ni LJ ang publiko sa isang masayang balita na engaged na siya kay Philip Evangelista. Hindi nagtagal, ikinasal na rin sila noong Oktubre kung saan dinaluhan ito ng mga taong malalapit sa kanilang puso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel