KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral

KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral

- Muling nag-viral ang larawan ng ilang Kapamilya love teams sa iisang larawan

- Kuha ito sa ABS-CBN Christmas Station ID noong 2015 na may pamagat na "Thank You for the Love"

- Lahat ng love teams na ito ay pawang naging real-life couple at dalawa ang nagkumpirmang hiwalay na umano

- Ang pinakahuli nga ay ang KathNiel na halos sabay na kinumpirma sa publiko ang kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena ang kuha ng mga love teams na KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan na mula sa ABS-CBN Christmas Station ID noong 2015 na may pamagat na "Thank You for the Love".

KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral
KathNiel, JaDine at LizQuen sa iisang larawan, muling nag-viral (ABS-CBN YouTube/ One Music PH)
Source: Facebook

Sa naturang kuha makikita sina James Reid at Nadine Lustre, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil.

Kapansin-pansin ito dahil bukod sa marami ang nagpapatugtog ng Christmas Station ID ng ABS-CBN mula pa noon, lahat ng love team na ito ay nagtapos na.

Read also

LJ Reyes, masayang ibinahagi ang first Christmas family photo nila ni Philip

Una na rito ang JaDine na naging real-life couple na nauwi sa hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos ganoon din ang Kathniel na makalipas ang 11 taong relasyon, nauwi rin paghihiwalay kamakailan lamang.

At ang LizQuen na bagama't wala pang kumpirmasyon kung hiwalay na o patuloy pa rin ang kanilang off-cam relationship ay masasabing nagtapos na rin ang love team dahil sa paglisan ni Liza sa bansa upang tahakin ang kanyang kapalaran bilang artista abroad.

Narito ang naturang larawan na ibinahagi rin ng One Music PH:

Kabi-kabilang love teams ang umusbong sa showbiz ng Pilipinas mula pa noon, hanggang ngayon. Ito ay ang pagpareho ng isang aktor at isang aktres na minsa'y nauuwi sa totoong relasyon sa tunay na buhay. Ilan sa mga halimbawa nga nito ay ang 'JaDine' nina James Reid at Nadine Lustre, 'Kathniel' nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at 'LizQuen' nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel