Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

- Nakausap umano ni Ogie Diaz ang kabigan ni Richard Gutierrez kaugnay sa kontrobersyang kinakaharap nito ngayon

- Ito ay tungkol sa matunog na hiwalayan 'di umano nina Richard at misis nitong si Sarah Labhati

- Ayon pa sa source na ito, sakaling magkasuhan man ang mag-asawa, tiyak na maabswelto rin umano si Richard

- Wala pa ring kumpirmasyon o pagtanggi na inilalabas ang magkabilang panig ukol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mainit pa ring usapin ngayon ang matunog na hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Labhati.

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"
Richard Gutierrez kasama ang kanyang mga magulang (@richardgutz)
Source: Instagram

Isa nga ito sa mga natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Disyembre 20.

Ani Ogie, nakausap niya ang isa sa mga kaibigan ni Richard tungkol sa sitwasyon ng dalawa.

"Sabi nga ng source ko na kaibigan ni Richard, kung malalaman ko lang daw ang buong katotohanan. Masa-shock daw ako"

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa sa source na ito ni Ogie, sakali mang magkasuhan ang dalawa na madalas na rin umanong mabalita, inaasahang mapapawalang-sala agad si Richard.

"Eventually ay ma-aabswelto rin daw si Richard," dagdag pa nito.

Nagsimula ang espekulasyon ng kanilang hiwalayan nang mapansin ng netizens na hindi na nakikitang magkasama sina Richard at Sarah sa kani-kanilang post na madalas nilang gawin noon lalo na kung kasama ang dalawa nilang mga anak.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Richard Gutierrez ay isang aktor, model at TV host sa Pilipinas. Anak siya ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez at dating beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez. Kasal si Richard sa aktres na si Sarah Labhati. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Zion at Kai.

Read also

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

Binalot kamakailan ng kontrobersya ang buhay may asawa ni Richard dahil umano sa napansin ng publiko na hindi na sila madalas magkasama ng misis na si Sarah. Katunayan, isa sa mga bagong socmed post ni Richard, tanging mga anak na lamang niya ang kanyang kasama.

Maging ang ina nina Richard na si Annabelle Rama ay minsan nang nadawit umano sa isyu na ito na wala pa ring kumpirmasyon o pagtanggi mismo sa mag-asawang Richard at Sarah.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel