Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

- Ikinasal na ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista

- Ito ay matapos ang kanilang ilang buwang engagement na gumulantang sa publiko noong Mayo ng kasalukuyang taon

- Lalong na-excite ang kanyang mga tagasubaybay nang makita ang prenup pictures nila noong Agosto

- Marami ang natuwa para kay LJ kaya naman mabilis na nag-viral ang mga video na kuha sa kanyang kasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mrs. Evangelista na ngayon ang Kapuso actress na si LJ Reyes. Ikinasal siya sa New York sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.

Enter caption/title
Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral
LJ Reyes (@mikkamarcaida)
Source: Instagram

Matatandaang Mayo ng kasalukuyang taon nang ibida ni LJ ang engagement photos nila ni Philip na labis na ikinatuwa ng marami.

Kaya sa mismong araw ng kanilang kasalan, marami ang nakaabang sa mga pictures at videos na naibabahagi ng mga nakadalo sa pag-iisang dibdib na ito.

Read also

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

Kitang-kita sa mga larawan at video ni LJ ang saya sa espesyal na araw na ito na inaasam din ng marami para sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa mga video na kuha sa kasalang LJ at Philip mula kina @candyduyongco at @mylesdecena

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network at nagkaroon din ng iba't ibang pelikula.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis. Kaya naman marami ang nagulat sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Read also

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

Dalawang taon nang namamalagi ngayon sa New York sina LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer, kapiling na rin ng pamilya ni LJ na naroon.

Samantala, matatandaang nagkomento si Cristy Fermin sa engagement noon ni LJ sa non-showbiz boyfriend sa Amerika. Aniya, tila malaking sampal daw umano ito sa dating naging kasintahan ni LJ na si Paolo Contis. Gayunpaman, sa hiwalay na panayam sa aktor sa noo'y engagement pa lamang ni LJ, sinabi naman nitong masaya siya para sa dating karelasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel