LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

- Ikinasal na ang aktres na si LJ Reyes sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

- Ibinahagi ng The Scoop ang ilang mga kaganapan sa pag-iisang dibdib ng dalawa

- Mayo ng kasalukuyang taon ng gumulantang sa publiko ang proposal pictures ni Philip kay LJ

- Mas lalong na-excite ang mga tagasubaybay ni LJ nang makita ang mga pre-wedding photos nila noong Agosto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasal na ang aktres na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista
LJ Reyes (LJ Reyes)
Source: Facebook

Naibahagi ng The Scoop ang ilang larawang kuha umano sa pag-iisang dibdib nina LJ at Philip.

Makikita kung gaano kasaya ang aktres sa masayang araw na ito ng kanyang buhay.

Matatandaang Mayo ng kasalukuyang taon nang ianunsyo ni LJ na engaged na siya kay Philip, bagay na ikinatuwa ng marami.

Read also

Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalo pang nakadagdag ng excitement ng publiko nang maibahagi na nila ang kanilang pre-wedding photos noong Agosto.

Samantala, narito ang ilang larawang naibahagi ng The Scoop mula sa kasalang Philip at LJ:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Kasalukuyan nang namamalagi ngayon sa New York sina LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer, kapiling na rin ng pamilya ni LJ na naroon.

Read also

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

Matatandaang nagkomento si Cristy Fermin sa engagement noon ni LJ sa non-showbiz boyfriend sa Amerika. Aniya, tila malaking sampal daw umano ito sa dating naging kasintahan ni LJ na si Paolo Contis. Gayunpaman, sa hiwalay na panayam ng aktor sa noo'y engagement pa lamang ni LJ, sinabi naman nitong masaya siya para sa dating karelasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel