Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

- Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang picture ng bakanteng upuan sa kanilang mesa kung saan dapat nakaupo si KC Concepcion

- Ani Sharon, nami-miss niya ang anak na magpa-pasko kasama ang kanyang amang si Gabby Concepcion

- Matatandaang kamakailan ay nagpasalamat si KC kay Sharon dahil mpinayagan siya nito na magdiwang ng Pasko kasama ang ama

- Marami naman ang naantig sa post na ito ni Sharon lalo at marami sa kanyang mga post nitong mga nakaraang araw ay tila emosyonal siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Sharon Cuneta ang kanyang pangungulila sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion. Ibinahagi niya ang picture ng bakanteng upuan sa kanilang mesa kung saan dapat nakaupo si KC .

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"
Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"
Source: Instagram

Sa kabila ng kanyang pagka-miss sa anak ay sinabihan niya ito na mag-enjoy kasama ang kanyang papa.

Read also

Melai Cantiveros, binahagi ang sweet na pictures nila ng kanyang pamilya

One seat empty but place still set. I miss you, KC… Have fun with your Papa. I love you. Merry Christmas baby…❤️ @kristinaconcepcion

Matatandaang kamakailan ay nagpasalamat si KC kay Sharon dahil mpinayagan siya nito na magdiwang ng Pasko kasama ang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nag-post siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Mariel Padilla, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mommy

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel