Melai Cantiveros, binahagi ang sweet na pictures nila ng kanyang pamilya

Melai Cantiveros, binahagi ang sweet na pictures nila ng kanyang pamilya

- Nag-post si Melai Cantiveros ng picture niya kasama ang kanyang asawang si Jason Francisco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang caption ay nakalagay ang 'Just the two of us' ngunit may karugtong itong In Just 2 mins

- Sa mga sumunod na picture kasi ay nakisiksik din ang dalawang anak nilang sina Mela at Stela

- Umani ng mga komento ang post na ito ni Melai kung saan binahagi niya ang pictures nila habang nasa bakasyon sa General Santos City

Ibinida ni Melai Cantiveros ang picture nilang mag-asawa. Sa sumunod na mga pictures ay makikitang nakisiksik din ang dalawang anak nila at pilit na nagkasya sa upuan na hinigaan ng mag-asawa.

Melai Cantiveros, binahagi ang sweet na pictures nila ng kanyang pamilya
Melai Cantiveros, binahagi ang sweet na pictures nila ng kanyang pamilya
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Umani ng mga komento ang post na ito ni Melai kung saan binahagi niya ang pictures nila habang nasa bakasyon sa General Santos City. Narito ang ilan sa mga komento:

Natural and simple Family,i love it
Ganyan talaga noh. Sa katagalan ng pgsasama, mgkamukha na ang mag-asawa. Ibig sabihin destiny and meant to be,.
Yung nag momoment kau ng asawa mo tas sisingit sila,

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel