Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

- Bumati ang pamilya ni Sharon Cuneta ng Happy New Year sa pamamagitan ng isang live video

- Dito ay nabanggit ni Mega ang tungkol sa kanyang mga naging post dahil aniya ay dala lang ng kanyang mga emosyon

- Gayunpaman, may mga iba daw siyang post na hindi naman tungkol sa pinagdadaanan nila at para sa ilang tao na malapit sa kanya

- Diretsahan niyang sinabi na nag-away sila, nagkahiwalay at nagkabati na kaya okay na daw sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nag-away sila at naghiwalay ni Kiko Pangilinan pero nagkaayos na raw sila at okay na. Ito umano ang dahilan ng ilan sa kanyang naging post pero marami sa kanyang quotes na binahagi ay hindi daw tungkol sa kanila at para sa mga taong malapit sa kanya.

Read also

Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"
Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"
Source: Instagram

Sa naturang video ay kasama niya ang asawa at ang tatlong anak na sina Miel, Frankie at Miguel habang naka-check-in sa isang hotel dahil nag-perform si Mega sa isang New Year countdown doon.

Dagdag naman ng dating senador, lahat ng pamilya at mag-asawa ay nagkakatampuhan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel