Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"

Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"

- Ibinahagi ni Annabelle Rama ang ilang pictures ng kanilang pamilya sa kanilang bakasyon sa Japan

- Aniya, masaya siya dahil kasama niyang nagdiwang ng Pasko at Bagong taon ang kanyang mister

- Dagdag pa niya, sana sa susunod na taon ay makabalik daw silang kompleto ang kanilang pamilya

- Ibinida niya rin ang picture nila ng kanyang asawa na kuha sa aniya ay 'best dinner' daw nila sa Japan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Annabelle Rama ng mga pictures nila ng kanyang pamilya sa kanilang bakasyon sa Japan. Masaya daw siya dahil kasama niyang nagdiwang ng Pasko at Bagong taon ang kanyang mister.

Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"
Anabelle Rama: "Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family"
Source: Facebook

Dagdag pa niya, sana sa susunod na taon ay makabalik daw silang kompleto ang kanilang pamilya.

Christmas and New Year in Tokyo with my one and only, Eduardo.❤️ Kaya happy ako. Hindi na kailangan sabihin diba? Kita nyo naman!!

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Our first time to stay at @aoyamagrand with my family ✨The best breakfast, Japanese dinner and fast, friendly service! Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family. Puhon puhon. Shopping muna ako, ‘Day. Bye! #GutzInTokyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang nauna niya nang sinabi sa isang panayam ang tungkol sa kanilang pagbabakasyon sa Japan ngayong Pasko at bagong taon.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang "My Monster Mom" kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Marian Rivera, sa bagong taon: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel