Isabelle Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert

Isabelle Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert

- Kinaaliwan si Isabelle Daza sa binahagi niyang post kung saan ibinida niya ang ilang eksena nila sa Taylor Swift concert

- Makikita sa isang video ang pagtalon-talon ni Isabelle habang patakbong lumapit sa gilid ng stage kung saan humarap si Taylor

- Sa kanyang Instagram story ay sinabi ni Isabelle na mukha daw siyang baliw ngunit worth it naman daw

- Dagdag pa niya, nagkatinginan sila ni Taylor matapos niyang tumakbo palapit sa gilid ng stage

Ibinida ni Isabelle Daza ang nakakaaliw na fan girl moment niya sa concert ni Taylor Swift. Ayon sa kanya, mukha daw siyang baliw ngunit worth it naman daw ang kanyang pagtatakbo at pagtalon-talon.

Isabel Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert
Isabel Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert
Source: Instagram

Kasama din ni Isabelle sa naturang video ang kaibigang si Anne Curtis. Kabilang sa kanyang post ay ang kanyang paglapit sa barikada sa gilid ng stage. Ani Isabelle sa kanyang IG story, nagkatitigan pa sila ni Taylor.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Marami ang naaliw kay Isabelle. Narito ang ilang komento:

I will have the same “Belle” energy if that was meeee!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

HAHAHAHAHA @isabelledaza nawawala yung pagka classy mo sis pagnakita mo pala yung idol mo
Love it! No filter, very genuine and very me! hahaha! I would literally freak out toooooo haha very fun moment

Isabel Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert
Isabel Daza, kinaaliwan sa kanyang fan girl moment sa Taylor Swift concert
Source: Instagram

Si Isabelle Diaz Daza-Semblat ay kilala bilang isang Pinay actress, TV host at model. Anak siya ng Miss Universe 1969 titleholder na si Gloria Diaz. Ang kanyang amang si Gabriel "Bong" Daza III ay isang restaurateur at dating Makati city councilor.

Kamakailan ay binahagi ni Isabelle na hindi niya naabutan ang kanyang flight. Sa kanyang Instagram story, binahagi ni Isabelle ang kanyang naging karanasan. Gayunpaman, ayon sa kanya, hindi ito ang unang pagkakataon na naiwan siya ng kanyang flight. Naiwan niya umano sa lobby ang kanyang bag na naglalaman ng mga passport nila.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Pinatunayan ni Isabelle na sa kabila ng kanyang narating sa buhay at tinatamasang kasikatan, hindi pa rin nawala ang kanyang pagiging down-to-earth. Sa isang post sa social media, binahagi niya ang video ng anak niyang si Baltie sakay ng pedicab papuntang paaralan. Hindi naman malinaw kung palagi nila itong ginagawa. Makikita sa video na masaya ang anak niya habang nakasakay sa pedicab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel