Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

- Binahagi ni Xian Gaza ang isang video clip kung saan magkasama sila ng kanyang fiancee

- Sa comments section ay sinagot ni Xian ang tanong ng isang netizen dahil nalilito daw sila kung ano ang katotohanan

- Matatandaang sa naunang post ay sinabi ni Xian na hindi niya dine-debunk ang tsismis na ladyboy nga ang fiancee niya dahil wala naman daw masama

- Sa kanyang komento, sinabi ni Xian na sinadya niyang lituhin ang netizens para mag-trending at makilala ito sa Pinas

Ayon kay Xian Gaza, sinadya niyang lituhin ang netizens kaugnay sa kanyang naging pahayag kung totoo bang lady boy ang kanyang Thai fiancee. Aniya, gusto niyang lalo itong mag-trending at makilala sa Pinas.

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"
Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"
Source: Facebook

Ibinahagi ni Xian Gaza ang isang video clip kung saan magkasama sila ng kanyang fiancee. Isang netizen ang nagtanong para malinawan dahil aniya ay nalilito siya sa post ni Xian.

Read also

Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga clickbait at mga fake news"

Sinasadya kong lituhin kayo para lalo siyang mag-trending at makilala sa Pinas. I always make sure that every situation is to my advantage. She is female since birth.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel