Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"

Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"

- Naglabas ng pahayag si Xian Gaza kaugnay sa espikulasyong ladyboy daw ang kanyang fiancee

- Aniya, hindi niya dine-debunk o pinapasinungalingan yung tsismis dahil aniya ay wala siyang nakikitang mali kung totoo man

- Ang tingin daw niya sa mga babae at sa mga transgender ay iisa lang

- Maging siya daw ay sinasabihang bakla pero hindi daw insulto para sa kanya ito dahil aniya ay walang mali sa pagiging bakla

Binahagi ni Xian Gaza ang isang post kung saan naglabas siya ng pahayag kaugnay sa espikulasyong ladyboy daw ang kanyang fiancee. Aniya, hindi niya dine-debunk o pinapasinungalingan yung tsismis dahil aniya ay wala siyang nakikitang mali kung totoo man ito.

Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"
Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"
Source: Facebook

Sinasabihan din daw siyang bakla pero hindi daw ito insulto para sa kanya at hindi sumasama ang kanyang loob.

Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan yung tsismis na ladyboy ang fiancee ko kasi wala po akong nakikitang mali kung ladyboy man siya. Ang tingin ko sa mga babae at sa mga transgender ay iisa lang. Sinasabihan din po akong bakla. Wala din po akong nakikitang mali sa pagiging isang bakla. Hindi ito isang insulto para sumama ang loob ko.

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Sa katunaya ay 51% daw ng kanyang kumpanya ay nailipat niya na sa fiancee niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

As of today, February 21, yung 51% share nung isang kumpanya ko ay tinransfer ko na sa kanya.

Nagpayo din siya sa mga taong hindi mawari ang kasarian ng taong kanilang dine-date na taga Thailand.

At kung sakali man na may i-date kayong babae sa Thailand at hindi niyo ma-figure out kung siya ba ay isang ladyboy or cis dahil sa sobrang ganda, here's my piece of advice: Travel kayo abroad, kunin mo yung passport habang tulog, check mo kung "F" or "M"

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Jaya: "I think I'm still in shock kasi hindi pa ako nakakaiyak"

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel