Jaya: "I think I'm still in shock kasi hindi pa ako nakakaiyak"

Jaya: "I think I'm still in shock kasi hindi pa ako nakakaiyak"

- Nagpasalamat si Jaya sa lahat ng nagpadala ng mensahe at nag-alala para sa kanyang kaligtasan matapos masangkot sa aksidente

- Sa kanyang binahaging video sa Instagram, naikwento niya ang pangyayari nang papunta sana siya sa concert ni Regine Velasquez

- Bukod sa sasakyang sinasakyan nila ay may iba din daw na naaksidenteng sasakyan na kasunod nila

- Ani Jaya, sa tingin niya ay nasa state of shock pa siya dahil hindi pa rin siya nakaiyak

Binahagi ni Jaya ang buong pangyayari sa kinasangkutang aksidente. Nagpapasalamat siya na kahit sa likod siya nakaupo at yupi ang likod na bahagi ng sasakyan ay maayos naman ang pakiramdam niya.

Jaya, nagkwento tungkol sa kinasangkutang aksidente
Jaya, nagkwento tungkol sa kinasangkutang aksidente
Source: Instagram

Nagpasalamat siya sa lahat ng nagmensahe at panalangin para sa kanya nang malaman ang tungkol sa aksidente. Nanakit daw ang kanyang katawan.

Natawa na lang daw siya sa komentong may parang may nakaakibat sa kanya dahil nung una ay nasunugan sila at ngayon naman ay naaksidente siya.

Read also

Xian Gaza sa espikulasyong ladyboy ang fiancee niya: "Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Jaya, bilang tao dadating talaga sa buhay ng tao ang mga problema at pagsubok. Nung nabangga daw sila, inakala nilang malala ang magiging kalalabasan dahil sa lala ng impact sa sasakyan nila.

Aniya, agad siyang nagdasal nang mangyari ang aksidente. Kahit may nabasag na windshield at wala siyang natamong sugat kaya sobra daw siyang nagpapasalamat.

Sa tingin daw niya ay nasa state of shock pa siya dahil hindi pa rin siya nakaiyak.

I think I'm still in shock kasi hindi pa ako nakakaiyak

Si María Luisa Ramsey-Gotidoc o mas kilala sa kanyang screen name na Jaya ay isang Pinay soul singer, rapper, record producer, actress at presenter. Anak siya ng mang-aawit at komedyanteng si Elizabeth Ramsey.

Matatandaang kamakailan ay naibahagi ni Jaya ang tungkol sa pagkatupok ng bahay nila sa US. Binahagi niya ang picture ng kanilang bahay na nasunog. Gayunpaman, nagpapasalamat siyang sa kabila ng nangyari ay ligtas sila ng kanyang pamilya. Matatandaang nagtungo sa US upang manirahan ang mang-aawit kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Read also

Bobby Ray Parks, emosyonal sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake

Matapos ang pagkasunog ng kanilang bahay, marami sa mga kasamahan ni Jaya sa showbiz ang nag-alala para sa mang-aawit. Sa kabila ng nangyari ay naging positibo ang tugon nilang mag-anak sa nangyari. Bago tuluyang umalis para maghanap ng panibagong bahay na matitirhan, nakapagpaalam naman umano sina Jaya sa kanilang mga kapitabahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel