Bobby Ray Parks, emosyonal sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake

Bobby Ray Parks, emosyonal sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake

- Naging emosyonal si Bobby Ray Parks sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake sa birthday surprise nito sa kanya

- Pinasalamatan ni Zeinab si Ray dahil sa pagmamahal sa kanya at sa kanyang mga anak

- Ani Zeinab, lalong naging malapit siya sa Panginoon dahil sa boyfriend lalo at hindi daw ito napapagod na ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa bibliya

- Para naman kay Ray, pinagpapasalamat niya ang aniya'y unconditional love ni Zeinab sa kanya at ngayon lang daw niya ito naranasan

Naiyak si Bobby Ray Parks sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake. Sa birthday surprise ni Zeinab sa kanya, nagbahagi siya ng mensahe kung saan pinasalamatan niya si Ray sa pagmamahal sa kanya at sa mga anak nila.

Bobby Ray Parks, emosyonal sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake
Bobby Ray Parks, emosyonal sa mensahe sa kanya ni Zeinab Harake
Source: Youtube

Ani Zeinab, ilalaban daw talaga niya kung gaano kabuting tao si Ray. Bukod sa kanyang pagmamahal sa kanilang mag-iina, pinagpapasalamat din daw ni Zeinab na mas nilapit siya nito sa Panginoon.

Read also

Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake

Dagdag pa niya, kahit mahirap na wala si Ray sa tabi niya ay mamahalin niya ito at susuportahan.

Para naman kay Ray, pinagpapasalamat niya ang aniya'y unconditional love ni Zeinab sa kanya at ngayon lang daw niya ito naranasan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel