Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake

Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake

- Aminado si Bobby Ray Parks na speechless siya matapos niya makita ang regalo sa kanya ni Zeinab Harake

- Pinagdiwang nila ang kaarawan ni Ray noong February 14 na dapat sana ay February 19 dahil hindi sila magkasama sa araw na ito

- Ayon kay Zeinab, pinag-isipan niyang maigi ang kanyang ibibigay sa lalaking aniya'y nagpapatibok sa kanyang puso

- Nakwento ni Zeinab na 9 na Rolex stores ang pinuntahan niya mahanap lang ang relo na gusto niyang bilhin para kay Ray

Speechless si Bobby Ray Parks sa regalo sa kanya ni Zeinab Harake. Bukod sa personalized shirt at promise ring, grabe daw ang naging effort ni Zeinab mahanap lang ang relo na gusto niyang ibigay kay Ray.

Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake
Ray Parks, speechless sa natanggap na regalo mula kay Zeinab Harake
Source: Youtube

Isang Rolex na relo ang binigay niya kay Ray at gustong-gusto niya ito dahil sa kulay. Nakwento ni Zeinab na 9 na Rolex stores ang pinuntahan niya mahanap lang ang relo na gusto niyang bilhin para kay Ray.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Pinagdiwang nila ang kaarawan ni Ray noong February 14 na dapat sana ay February 19 dahil hindi sila magkasama sa araw na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel