Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

- Nabahagi ni Ivana Alawi na nakaranas din siya ng pangbu-bully noong nag-aaral siya

- Aniya, nabu-bully daw siya dahil hindi siya marunong mag-Tagalog dahil sa ibang bansa siya lumaki

- Dahil sa kanyang naranasan ay tumigil daw siya sa kanyang pag-aaral

- Ito ang kanyang nakwento nang mag-guest siya sa YouTube channel ni Euleen Castro

Nakwento ni Ivana Alawi na nakaranas din siya ng pangbu-bully noong nag-aaral siya. Dahil daw sa dinanas ay tumigil siya sa pag-aaral.

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya
Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya
Source: Instagram

Sa YouTube channel ng content creator na si Euleen Castro, naibahagi ito ni Ivana. Dumating pa daw sa puntong kumain pa siya sa cr.

Sobra ako na-bully noong elementary, high school. Kasi daw hindi ako maganda, ganyan.

Dalawa lang daw ang naging kaibigan niya sa buong pag-aaral niya ng Elementary at high school.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail

Nag-sorry din daw sa kanya ang kanyang mga bullies at napatawad naman daw ni Ivana ang mga ito.

Bentang-benta naman kay Ivana ang mga hirit ni Euleen na kilala sa TikTok bilang si Pambansang Yobab.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel