Dra. Vicki Belo, pabirong nabatukan ni Hayden Kho dahil sa joke nito kay Ivana Alawi

Dra. Vicki Belo, pabirong nabatukan ni Hayden Kho dahil sa joke nito kay Ivana Alawi

- Kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana Alawi habang naglilibot sa Italy

- Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora

- Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden

- Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan ginawa nila ni Hayden Kho ang pagiging magulang nina Ivana at Mona Alawi, pabirong pinuna ni Dra. Belo ang pananamit ni Ivana. Aniya, siya na lang ang magsasara ng damit ni Ivana dahil delikado kapag si Hayden.

Read also

Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done"

Dra. Vicki Belo, pabirong nabatukan ni Hayden Kho dahil sa joke nito kay Ivana Alawi
Dra. Vicki Belo, pabirong nabatukan ni Hayden Kho dahil sa joke nito kay Ivana Alawi (Vicki Belo/YouTube)
Source: Youtube

Sa simula ng vlog ay makikitang nagsasalita ang mag-asawa upang ipaliwanag ang tungkol sa kanilang vlog. Ani Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni niya.

Isinalarawan pa niya ang magkapatid na pilya umano ang isa at ang isa namang masunurin. Matapos niyang punahin ang pananamit ni Ivana, sinubukan niyang isara ang damit nito sabay litanyang siya na lang ang magsasara at medyo delikado pag si Hayden.

Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel