Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"

Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"

- Naibahagi ni Gigi De Lana na matapos ang dinanas na aksidente habang papunta sa kanilang gig, nasa isip niya ang mga taong pumunta sa event

- Kaya naman, tinuloy nila ng kanyang banda ang kanilang performance sa kabila ng mga pinsalang tinamo nila

- Gayunpaman, habang kumakanta ay doon na daw unti-unting nakaramdam si Gigi ng pananakit sa katawan

- Sa kabila nito ay hindi daw nagpadala si Gigi sa ospital at aminado siyang inisip niya ang gastos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Gigi De Lana na naisip niya ang gastos kaya tumanggi siyang magpadala sa ospital nang himatayin siya sa gitna ng kanyang pagkanta. Sa kanyang guesting sa Luis Listens ni Luis Manzano, nabanggit ni Gigi na matapos ang kanilang aksidente ay naisip niya ang mga audience kaya tinuloy pa rin nila ng kanyang banda ang gig.

Read also

Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done"

Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"
Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin" (Luis Manzano/YouTube)
Source: Youtube

Ani Gigi, naisip niyang sayang naman ang pagpunta ng mga tao at sayang ang event. Kaya naman, matapos masuri ay tumuloy sila sa kanilang gig kung saan nga bumigay ang kanyang katawan sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta.

Unti-unti naman daw umayos ang kanyang pakiramdam pero tinigil na lang daw ang event at baka kung ano pa ang mangyari.

Marami naman ang bumilib kay Gigi dahil sa naibahagi niyang kwento dahil mas marami pa ang mas nakilala ang kanyang ugali. Narito ang ilang mga komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Im not a fan of Gigi pero nakikita ko yung pagiging pure niya and pagiging selfless. Godbless you more Gigi and sa Mom mo
Now I totally understand the real Gigi. Such a wonderful child to her mom. You've got my respect Gigi.

Read also

Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina

I dont know you personally luis and gigi but i can feel the sincerest goodness of your heart. nafefeel ko tlga kng ung isang tao ay kind-hearted.

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Naging defending champion siya at kinalaunana ay naging semi-finalist. Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Matatandaang hindi napigilan ni Gigi na maiyak matapos niyang maikwento ang tungkol sa kanyang pagiging heartbroken. Nakwento niya na nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang boyfriend na hindi naman humantong sa paghihiwalay. Gayunpaman, nasaktan umano siya sa sinabi ng kanyang boyfriend na nagbago siya at ayon kay Gigi masakit para sa kanya na siya ang dahilan noon. Ito ay naganap sa launching ng unang single niyang “Sakalam” kasama ang Gigi Vibes Band.

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

Samantala ibinahagi ni Gigi na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya. Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard. Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito. Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel