Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done"

Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done"

- Naglabas ng saloobin si Karen Bordador matapos makatanggap ng pangbabatikos kaugnay sa kanyang pag-host sa fanmeet ni Seo In Guk kamakailan

- Matatandaang si Karen ang pumalit kay Kristel bilang host sa naturang event at naganap ang pagpalit kay Kristel ilang oras lang bago ang event

- Naibahagi ni Kristel sa kanyang vlog na sinabihan na lang siya ng Korean technical director mula sa HY Official na hindi na siya magho-host

- Ikinalungkot ni Kristel na biglaan ang pagpalit sa kanya dahil nakulangan daw sila sa energy niya habang nasa rehearsal na ayon kay Kristel ay hindi talaga niya itinodo dahil rehearsal pa lang naman daw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Karen Bordador ng kanyang saloobin matapos siyang ma-bash dahil sa pagpalit niya bilang host sa fanmeet ng South Korean star na si Seo In Guk. Sa nilabas na vlog ni Kristel, naibahagi niyang ang Korean technical director mula sa HY Official ang nagsabing hindi na siya magho-host.

Read also

Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"

Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done
Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done" (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Ani Karen, hindi niya deserve ang mga pambabatikos sa kanya. Aniya, nawa ay naging aral ang nangyari sa kanya.

Matatandaang matapos ibahagi ni Kristel ang tungkol sa naudlot niyang hosting, marami sa kanyang fans ang nalungkot lalo at alam nilang idolo ni Kristel si Seo In Guk. Kaya naman, marami ang nadismaya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, sa paglabas ng vlog ni Kristel ay nalinaw ang dahilan ng pagpalit sa kanya bilang host sa naturang event. Mismong si Kristel ang nagsabing nakulangan sila ng energy niya ngunit ani Kristel, hindi talaga niya itinodo dahil sa pag-iisip na rehearsals pa lamang naman iyon.

Hindi man natuloy sa pagho-host ay masaya si Kristel na nabigyan siya ng pagkakataon na mapanood ang idolo at makasama pa ito nang malapitan nang payagan siyang makausap ito.

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Read also

Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel