Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina

Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina

- Emosyonal si Gigi De Lana nang ibahagi niya ang kanyang saloobin sa sunod-sunod na pangyayari sa kanyang buhay

- Aniya, umabot siya sa puntong sinisi niya ang sarili niya sa pagkakasakit ng kanyang ina

- Posible daw na ang cancer ng mama niya ay dahil sa stress at siya ang anak nito kaya naiisip niyang baka siya ang dahilan ng stress ng kanyang ina

- Sa panayam ni Luis Manzano ay naibahagi ni Gigi ang mga naging dagok ng buhay sa kanya nitong taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Gigi De Lana nang sabihin niyang dumating siya sa puntong sinisi niya ang sarili sa pagkakasakit ng ina. Sa kanyang pagbabahagi ng saloobin sa Luis Listens, sinabi niyang naisip niyang baka siya ang sanhi ng stress ng ina kaya ito nagkasakit.

Read also

Karen Bordador sa bashers dahil sa pagpalit niya kay Kristel Fulgar: "Damage is done"

Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina
Gigi De Lana, umabot sa puntong sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina (Luis Manzano/YouTube)
Source: Youtube

Bukod sa pagkakasakit ng ina, sunod-sunod ang naging pagsubok sa kanya matapos makitaan ng nodules sa kanyang lalamunan. Hindi daw kaagad tumigil sa pagkanta si Gigi kaya lumala ang kanyang kalagayan.

Naalarma na lang siya nang sabihin ng doktor na maaring hiindi na siya makakanta kapag hindi niya ipahinga ang boses. Naisip daw niya na ang pagkanta na lang ang alam niyang gawin upang maghanap-buhay ay maari pa itong mawala sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Naging defending champion siya at kinalaunan ay naging semi-finalist. Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Read also

Gigi De Lana kung bakit ayaw magpadala sa ospital: "Inisip ko po yung gagastusin"

Matatandaang hindi napigilan ni Gigi na maiyak matapos niyang maikwento ang tungkol sa kanyang pagiging heartbroken. Nakwento niya na nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang boyfriend na hindi naman humantong sa paghihiwalay. Gayunpaman, nasaktan umano siya sa sinabi ng kanyang boyfriend na nagbago siya at ayon kay Gigi masakit para sa kanya na siya ang dahilan noon. Ito ay naganap sa launching ng unang single niyang “Sakalam” kasama ang Gigi Vibes Band.

Samantala ibinahagi ni Gigi na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya. Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard. Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito. Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel